ANG MGA HINAGPIS NI FLORANTE
Si Florante ay nakatali sa isang punongkahoy sa kagubatan, nagtatangis at naghihinagpis sa mga sakit na kanyang nararanasan gaya ng paghihirap ng lannyang kahariang Albanya at unti-untu na. siyang nawawalaan ng pag-asa kaya sa huli ipinadaan niya ito sa panalangin.
ALAALA NI LAURA
Dito naalaala ni Florante si Laura, ang kanyang pinakamamahal, ngunit ang kanyang alaala ay halo ng pagseselos dahil sina Adolfo at Laura ay magkasama at akala niya na masaya si Laura sa piling ni Adolfo habang siya naman ay nagdurusa.
ANG PAG-IBIG KAY FLERIDA
Mayng isang gererong moro at prinsipe ng persiya na kinilalang Aladin na pumunta sa kagubatan, na kung saan nandoon rin si Florante ngunit hindi niya ito alam, na may dala rin isang problema at ito ay ang pag-agaw ng kanyang ama sa kanyang pinakamamahal na si Flerida at ang pagtitiis ng sakit kapag ipapakita noya ang paggalang sa kanyang ama.
DALAWANG AMA TUNAY NA MAGKAIBA
Akala ni Aladin na siya ay mag-isa sa kagubatan noong may narinig siyang may nananaghoy at nakita niya si Florantw ngunit hindi niya nilapitan at nakikinig lamang siya at dito niya nalaman ang mga pangyayari sa pagpatay sa ama ni Florante at dahil nito, naalaala rin niya ang kanyang ama na si Sultan Ali-Adab na hindi siya minahal.
ANG PAMAMAALAM NI FLORANTE
Si Florante, malapit na patayin sa mga leon, ay nananaghoy ng pamamaalam sa kanyang bayan, na akala niya kinalimutan ang kanyang mga pagtatanggol nito at sa kanyang sinta na si Laura, na akala rin niya itinaksil siya at pumunta kay Adolfo.
PAGSAGIP MULA SA PANGIL NG MGA LEON
Nalaman at nakita ni Aladin si Florante pala ay isang kristiyano ngunit siya ay nagdadalawang isip kung ililigtas ba niya o hindi ngunit noon sumugod na ang mga leon, agad niyang inatake ang mga ito at nawala ang kanyang pagdadalawang-isip at pagkatapos, tinulungan niya si Florante at inobserbahan kung siya humihinga pa o hindi.
PAGKALINGA SA ISANG KAAWAY
Nagising si Florante at si Laura ang kanyang unang inisip at hinanap ngunit ang nakita niya ay si Aladin, isang moro na itinuturing kaaway sa kanyang relihiyon, kaya nagulat siya kung bakit iniligtas siya na kung saan siya ay itinuturing kaaway rin sa kanilang lahi ngunit itinanggap niya ang tulong at nagpasalamat at habang nagpapahinga si Florante,binabantayan siya ni Aladin sa mga panganib ng kagubatan kaya noong gumising si Florante sa kinabukasan, naging masaya at naluluha si Aladin dahil buhay pa siya.
ANG PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA KANYANG KAMUSMUSAN
Dito ay makilala ang ina ni Florante na si prinsesa Floresca at ito'y naglalaman sa buhay at ang mga pinagdaanan ni Florante noong sanggol pa siya, gaya ng iniligtas siya sa kanyang pinsan na si Menalipo laban sa isang buwitreng ibon, hanggang siya ay pinag-aral sa Atenas at dito niya nakilala ang isang guro na si Antenor.
SI ADOLFO
Dito nakilala si Adolfo, isang kaklase ni Florante ss Antenas at siya'y sinasabing matalino, mahinhin, at mabait ngunit siya ay hindi nagpapakatotoo at ito'y nakita noong nag-presenta sina Adolfo at Florante ng isang presentasyon.
TRAHEDYA SA BUHAY NI FLORANTE
Nakatanggap ng letra si Florante tungkol sa kanyang patay na ama at siya ay naging lubos na malungkot kaya pumunta siya sa Albanya at nagpapaalam sa kanyang guro at siya ay binalaan na pagbalik niya doon ay mag-iingat at kailangab hands siya harapin ang mga trahedya na papatungo sa kanya.
PAGHIHINGI NG TULONG NG KROTONA
Pumunta si Florante sa Krotona dahil ito'y nanghihingi ng tulong at habang nandun siya, ikinuwento niya ang mabuting gawa ni Aladin sa kanya.
ANG PAGTATAGPO NINA FLORANTE AT LAURA
Noong ipinakilala ni Laura ang kanyang sarili kay Florante
SA KROTONA
Nagtapat ng pag-ibig si Florante kay Laura dahil kinailangan niyang umalis para lumaban at habang siya ay lumalaban, si Laura ay ang nagbibigay lakas sa kanya at ang tunay niyang ambisyon ay mamumuno sa Albanya at makuha ang pag-ibig ni Laura.
ANG PAGTATAKSIL NI ADOLFO
Noong bumalik si Florabte sa Albanya mula sa isang away laban sa mga moro, may nakita siyang mga sundalong moro na may dalang isang
babaeng nakagapos at naisip niya na baka ang babaeng iyon ay si Laura at hindi siya nagkamali kaya iniligtas niya siya at ipanaliwanag ni Laura kung bakit siya nakagapos at ito ay dahil hindi niya ibinalik ang nararamdaman ni Emir, isang pinuno ng Moro, sa kanya at dito nalalaman ni Florante ang pagtaksil ni Adolfo sa kanyang bayan.
ANG PAGPARAYA NI ALADIN
Inilahad ni Aladin dito ang kanyang buhay ngunit ito'y naputol dahil naalala niya ang kanyang kasintahan na si Flerida at habang naglalakad sina Aladin at Florante, ikinuwento ni Aladin si Flerida na kapag siya ay lalaban, si Flerida ang magpapalakas sa kanyang loob ngunit ito'y nakaabot sa punto na naalala niya ang kanyang ama na mahal din si Flerida kaya naging malungkot siya at dito rin malalaman ang naranasan ni Aladin noong nabawi ni Florante ang nasakop na parte sa Albanya ni Aladin.
ANG PAGTATAGUMPAY LABAN SA KASAMAAN
Ito'y tungkol ni Flerida na tumakas bago ang kasal ninang Sultan Ali Adab at ni Flerida at siya na ay napadpad sa kagubatan na kung saan iniligtas niya si Laura sa pagsasamantalahan at sa kasunod nakita sina Laura at Flerida sa kanilang mga kasintahan at ikinuwento ni Laura ano ang talaga ang naganap kung bakit siya ay kasama ni Adolfo at ang ginawa ni Adolfo sa Ama ni Laura hanggang siya ang iniligtas ni Flerida kay Adolfo.
ANG PAGWAWAKAS
Pagkatapos bg pagtatagpo ng apat, bumalik si Florante, Laura, Aladin at Flerida sa Albanya at bininyagan ang dalawang Moro at naging Kristiyano sila ngunit bumalik agad si Flerida at Aladin sa Persia dahil nalaman nila na namatay si Sultan Ali Adab at dito rin malalaman ang kasalan ng dalawang magkasintahan.
Lucky Clover Casino - JSM Hub
ReplyDeleteLucky Clover 경상북도 출장안마 Casino 양주 출장샵 has 군포 출장마사지 1,000+ games! Play online slots, table games, keno, roulette, poker, video slots, keno 의왕 출장마사지 and keno! 김제 출장안마